House panel, isinusulong ang suspension sa mandatory vax ng on-site workers

Isinusulong ng House committee on labor and employment ang pagsususpende sa pagpapatupad sa dalawang resolusyon kaugnay sa mandatory COVID-19 vaccination para sa onsite workers.

Ang panawagan para sa suspension ay nag-ugat mula sa reklamo kaugnay sa mandatory vaccination.

Kaugnay nito, binigyang diin rin ni TUCP partylist Rep. Raymond Mendoza na ang naturang mga resolusyon ay nakakalito.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Mababatid na sa ilalim ng IATF Resolution No. 148-B, kailangang irequire ng lahat ng mga establisyemento at mga employers sa pampubliko at pribado sektor ang kanilang eligible employees na inatasang gumawa ng onsite work na mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, hindi naman pwedeng tanggalin ang mga eligible employees na hindi pa bakunado, pero kailangang regular na sumailalim sila sa RT-PCR tests, gamit ang sariling pera sa pagbabayad.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sa ilalim naman ng IATF Resolution NO. 149 nakasaad na ang lahat ng partially vaccinated employees sa pampubliko at pribado sektor ay hindi na kailangang sumailalim sa regular na RT-PCR test, bastat ang kanilang second dose ay hindi pa lampas mula sa itinakdang intervel. //MHEL PACIA-TRINIDAD