CHED – 100% target vaccination, hirap maabot, dahil…

Inamin ng Commission on Higher Education (CHED) na mahirap maabot ang target na 100% na pagbabakuna sa mga guro at estudyante, dahil sa kakulangan ng vaccinators at naantalang pagbabakuna sa ilang mgaprobinsya.

Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera III, may ilang “problematic” areas gaya ng Palawan, na may kulang ng storage facility at kulang rin ng vaccinators.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Ganun rin umano ang problema sa Guimaras, kung saan walang inaalok na nursing at medicine courses.

At para maresolba ito, iminungkahi ni De Vera na dapat humingi ng tulong ang Guimaras government mula sa mga kalapit na probinsya, gaya ng Iloilo na nakakapag-produce ng 20 hanggang 30 vaccinators.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, napansin rin ng opisyal na ang ilang guro at estudyante sa Maguindanao at North Cotabato ay may “delay” sa vaccination dahil sa mababang epekto doon ng COVID-19 o mababa ang naitatalang COVID-19 deaths. //MHEL PACIA-TRINIDAD