Papalo na sa 5.1 milyong Pilipino ang nabakunahan kontra COVID-19 sa unang 2 araw ng National Vaccination Days.
Sa gitna nito, umaasa si vaccine czar Carlito Galvez na maaabot pa rin ang target na 9 milyon na mababakunahan sa loob ng 3 araw na kampanya.
Sinabi ni Galvez na irerekomenda ng National Task Force Against COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa national COVID-19 vaccination drive hanggang sa Biyernes.

Ito’y matapos humirit ang mga local government unit (LGU) na palawigin ang vaccination drive para maabot ang ibinigay na target ng gobyerno.
Pero giit ng vaccine czar, meron o walang approval, maari namang ipagpatuloy ng mga LGUs ang pagbabakuna. //MHEL PACIA-TRINIDAD