Nakikita ng Makabayan bloc na may effort na isinasagawa para sa pagsusulong ng Charter change (Cha-cha) sa House of Representatives, matapos na nakatakda umanong talakayin ng panel ang panukalang constitutional amendments ngayong araw.
Tinutukoy ng Makabayan lawmakers ang nakatakdang pagdinig ng House Committee on Constitutional amendments na tatalakay sa House Bill (HB) No. 4926 ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte, na nananawagan para sa constitutional convention sa December 2023.
Ayon sa Makabayan, tatalakayin din umano ng Kamara ang mga panukala na tanggalin ang constitutional prohibition sa foreign ownership ng lupa at restrictions sa foreign investment sa ekonomiya, edukasyon, at mass media.
Dahil dito, muling nanawagan ang Makabayan bloc sa mga tao na ibasura ang pagsusulong para sa Charter change.
Matatandaan na noong nakaraang Setyembre nang ihain ni Villafuerte at iba pang mambabatas ang naturang panukala, kung saan sinabi nila ang HB No. 4926 at tutulong na ipakilala ang political at economic reforms na magtitiyak na mapapanatili ng Pilipians ang growth at makakasabay sa ibang mga bansa.
