KORONADAL CITY –APAT ang patay habang isa ang sugatan sa house blessing na nangyari kagabi, matapos pasukin ng hindi kilalang lalaki ang compound ng pamilya Yourata at paulanan ng bala ang mga biktima, pasado alas 10:00 sa may bahagi ng Sitio Luayan, Purok 5, Barangay Dumadalig, Tantangan, South Cotabato.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jerry Yuarata, 49 anyos, Marcelo Combiz, isang barangay tanod, Ronald Vallespin at Argie Villorente, pareho residente ng naturang lugar, habang sugatan naman si Fredie Tabamo matapos na nakatalon ito sa kanal.
Ayon kay Morito Yourata ama ng isa sa mga nasawing biktima, na posible si Jerry ang target ng suspek matapos na mapagbintangan ang kanyang anak sa essue ng pangmomolestya ng isang babae malapit sa kanilang lugar at nadamay lamang ang iba nitong kasamahan, habang nag-iinuman sa loob ng kanilang compound.
Sa ngayon hiling ng pamilya ng mga biktima sa mga otoridad sa bayan ng Tantangan, na mahuli ang suspek upang makamit ng mga ito ang hustisya. Ayon kay PMAj. Erika Vallejo hepe ng Tantangan Municipal Police Station na sa ngayon nagpapatuloy kanilang imbestigasyon at hot pursuit operation laban sa naturang mga suspek.
