Eleksyon sa 3rd district ng So.Cot, tuloy sa 2025

KORONADAL CITY – TULOY ang eleksyon sa pagka-kongresista sa 3rd district ng South Cotabato sa May 2025. Ayon kay South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada na ito ay alinsunod sa nakasaad sa naipasang batas.

Read More:  Top NPA leader killed in Surigao del Sur encounter

Sa ngayon, hinihintay na lamang umano nila ang Implementing Rules and Regulations o IRR mula sa Comelec en banc kaugnay sa pagsasagawa ng halalan sa 3rd district. Batay sa Section 1 ng Republic Act 11804, ang paghati sa South Cotabato sa tatlong legislative district ay magiging epektibo sa 2025 national and local elections.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Ang 1st district ay kinabibilangan ng Polomolok, Tupi at Tampakan; 2nd district ang Koronadal, Banga at Tantangan; at 3rd district ang Surallah, Norala, Lake Sebu, Tboli at Sto.Niño.