Tiniyak ng reelectionist na si House Ways and Means Committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda na mayroong pondong mapagkukunan para sa bersyon ng stimulus package ng bagong administrasyon na BBM Law.
Ayon sa mambabatas, handa siyang tumulong kay Majority Leader Martin Romualdez pagdating sa appropriation ng budget para sa panukala.

Sa kabila nito, aminado si Salceda na mas mahihirapan ngayon ang gobyerno lalo na’t kamakialan lamang ay pinatatanggal na ng ERC ang value-added tax sa generation charge ng kuryente.
Dahil dito, umapela siya sa susunod na administrasyon na pag-aralang mabuti ang mga ipapataw na VAT exemptions.
#