US CDC, aprubado na ang Pfizer vaccine bilang booster shots sa mga menor de edad

Inaprubahan na ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention o CDC ang paggamit ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine para sa mga batang edad lima hanggang 11.

Ayon kay CDC Director Rochelle Walensky, maaari nang gamitin ang Pfizer vaccine bilang booster sa mga menor de edad, limang buwan bago ang kanilang inisyal na vaccination series.

Read More:  Ebola cases in Congo surpass 10,000 amid worsening outbreak

Matapos umano ang 18 milyong doses na una nang itinurok sa age group na ito, napatunayang ligtas ang bakuna para sa kabataan.

Inirekumenda rin ng CDC sa mga edad 12 pataas at sa immunocompromised sector na magpa-second booster na.

Read More:  Costa Rica opens mega-prison for 5,100 inmates amid rising crime

Sa Pilipinas, sinabi ni FDA OIC Dir. Oscar Gutierrez na wala pa ring nag-aapply para sa EUA o ‘yung emergency use authorization ng mga vaccine manufacturers para sa booster shots ng 5-11 year olds.
#