Susunod na DepEd sec, dapat tutukan ang historical revisionism – solon

May hamon ngayon ang ilang mga mambabatas sa magiging susunod na kalhiim ng Department of Education na tutukan ang pagsawata sa historical revisionism at disinformation.

Ito ay sa gitna ng pag-tanggap ni presumptive vice president Sara Dutere sa alok na maging susunod na Secretary of Education.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay ACT Teachers party-list Rep. France Castro, kaisa sila sa panawagan ng libu-libong mga akademiko na labanan ang pagpapabango sa tunay na baho ng rehimeng Marcos at ang mga masasamang naidulot ng Martial Law.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Umaasa si Castro na hindi gagamitin ang education system para pagtakpan ang tunay na kulay ng Batas Militar at baguhin ang kasaysayan.
#