Pagsirit ng presyo ng bigas – produkto raw ng ‘kainutilan’ ng gobyerno

Iginiit ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo na kahit na anong hakbang ang gawain ng pamahalaan – magpapatuloy pa rin ang krisis na kinahaharap ng bansa pagdating sa bigas.

Ayon kay Estavillo, magpatupad man ang gobyerno ng price ceiling, suggested retail prices, at food stamp – hindi nito matutugunan ang hindi-matigil na pagsirit ng presyo ng bigas.

Read More:  Marcos says heavy rain and climate change worsened Central Luzon flooding

Giit pa niya, pinagpapatuloy lang din kasi ng administrasyon ang mga patakaran at polisiya na kumakampi o pumapabor sa pribadong trading ng bigas.

Dahil diyan, nanindigan ang opisyal na dito na makikita ang umano’y ‘kainutilan’ ng gobyerno, kung saan ang pagtaas ng presyo ng bigas ay hindi nito magawang mapababa.

Read More:  Facebook ban in Philippines possible as CICC warns meta over laws

Sa huli, sinabi ni Estavillo na isa talagang hamon para sa Department of Agriculture na makontrol ang presyo ng naturang agri-product lalo pa’t pribadong ang namamalakad nito.