Gilas Pilipinas, bigo kontra Turkey sa tune-up game

Tinalo ang Gilas Pilipinas ng Turkey sa score na 84-73 sa kanilang tune-up game in Istanbul upang makapag handa sa darating na Olympic Qualifying Tournament.

Pinangunahan ito ni Justine Brownlee na kumana ng 21 puntos sinundan naman ni June Mar Fajardo na tumala ng double-double Carl Tamayo at Kai Sotto na pumuntos ng 7 at Dwight Ramos na maganda ang laro.

Nahirapan ang Gilas sa 2023 NBA Draftee na si Tarik Biberovic pinagunahan nito ang Turkey na may 23 puntos 5/9 sa 3 Three-point line na bago magtapos ang laban ay bumitaw pa sya ng isang dagger three para lumamang ang mga ito ng 8.

Ayon kay Gilas team manager Richard Del Rosario ito na ang kanilang matindi  pagkatalo at napag tanto nila kung ano ang kanilang kakaharapin sa OQT. (BRIGADA NEWS INTERN JAY LAINEZ)