Hog raisers sa Palawan, nais saklolohan ng Palawan Swine Producers Assoc.

Nais ng Palawan Swine Producers Association na saklolohan ang Hog Raisers sa lalawigan bunsod ng mahinang bilihan ng buhay na baboy.

Ayon sa information officer ng PSPA na si PATRECIO T. AGUELO JR., matagal nang problema ng hog raisers ang pananamantala ng ilang buyers pero walang magawa kundi magbenta ng alaga.

Sa pamamagitan ng isang kasunduan sa Department of Agriculture ay may ibang buyer mula sa Manila ang pwedeng makatulong sa hog raisers na maibenta sa makatarungang presyo ang kanilang mga alaga.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sisikapin umano ng asosasyon na magkaroon ng hog van upang maayos na maipadala sa Manila ang mga baboy.

Kaugnay nito, magsasagawa ang PSPA ng caravan sa mga munisipyo tungkol sa programang ito na inaasahang makatutulong sa mga nag-aalaga.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, nababahala si Aguelo sa patuloy na pagpasok ng frozen meat product sa Palawan sa posibleng banta ng ASF.

Pero una ng nilinaw ng City Veterinary Office na ang mga pumapasok sa lalawigan na frozen pork meat mula sa ibang bansa ay para lamang sa supermarket o mga malls.

Wala raw itong kinalaman sa mababang presyo ng live weight ng baboy sa lalawigan.