Arestado na ang isang suspek sa panloloob sa tahanan sa Bgy. Tabon Quezon Palawan kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nahuli nitong Miyerkoles ng hapon na si Kimson Lampa Dalasa, 38 anyos na residente rin sa Barangay Tabon at umano’y kaanak din ng mga biktima.
Si Dalasa ay positibong itinuro ng mga testigo nang mangyari ang panloob sa bahay ng apat na mga biktima.
Sinaktan umano ng mga suspek ang apat na biktima at ang mga bata ay tinutukan pa ng mga baril ng mga naka- bonet na kalalakihan, ayon kay kapitana Ruthie Sunayan ng Bgy. Tabon.
Kinuha sa mga biktima ang pera na aabot sa P40, 000, passbook, cellphone at iba pang kagamitan bago tumakas.
Samantala, pinaghahanap pa ang ibang kasamahan ng suspek na sina Dandy Agang at walong kasamahan na nahaharap na rin sa kasong Robbery at Attempted Homicide, ayon sa Palawan Provincial Police Office.