Hirap ng mga jeepney driver sa Calabanga, Camarines Sur, mas tumitindi umano

CAMARINES SUR – Mas lalong umaaray ang mga jeepney driver dahil sa halo-halong problema ngayong panahon.

Maliban sa init ng panahon, isa pa sa mga nagpapahirap sa sitwasyon ng mga tsuper ang tila walang saysay na fuel subsidy ng gobyerno. Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Didoy Avila, presidente ng Calabanga Transport Association, napag-alaman na 70% sa kanila ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng fuel subsidy. May iilan na nakatanggap naman ngunit hindi pa rin ito sapat dahil sa halos linggo-linggong pagsirit sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ngayong mas lalong umiinit ang panahon, idagdag pa ang bahagyang pagbaba sa bilang ng mga pasahero, sobrang naaapektuhan ang kita ng mga tsuper.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *