Mga residente ng Liboton , Naga City pinag-iingat lalo matapos ang  45.9°C ang heat index!

NAGA CITY- Pinag-iingat lalo ng council ng Barangay Liboton, Naga City ang mga residente matapos na makapag tala ng 45.9°C heat index sa  Typhoon2000 (T2k) Network of Automated Weather Stations (AWS).

Ayon kay Kapitan Ronald Luntok, nakamonitor ang mga health personnel sa mga bata at may edad na. Kung kinakailangan talaga aniyang umalis ng bahay na may maiiwang may dinaramdam ibilin ito sa Barangay.

Sa pag ikot-ikot ng BNFM sa lugar, hindi alintana sa mga pedicab driver ang matinding init, nag titiyaga sa pila kahit kaunti ang pasahero. Sa kabilang banda , magandang oportunidad naman para sa buko juice vendor ang panahon dahil mabenta sa mga dumaraan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *