Opisyal ng Muslim community sa Camarines Norte hinimok ang mga miyembro na baunin ang aral ng katatapos lang na Ramadan

CAMARINES NORTE – Hinimok ng isang opisyal ng Muslim Community sa Camarines Norte ang mga miyembro nito na baunin ang aral ng katatapos lang na Ramadan.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Hadji Nasser Dimalna, Pangulo ng Daet Muslim Community at Pangalawang Pangulo ng Muslim Community sa lalawigan na importante ang panalangin at dapat magtuloy- tuloy ito.

Hangad rin umano ng kanilang komunidad ang kapayapaan sa buong mundo sa gitna ng kaliwa’t kanang digmaaan.

Sa gitna ng lahat ng ito naniniwala umano sila na si Allah lang ang may control sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *