Patay ang radical Hindu religious leader na si Sudhir Suri matapos itong barilin sa north-westen India.
Ayon sa report, binaril si Suri habang nagsasagawa ng protesta sa Golden Temple na Amritsar na isa sa “holiest sites sa Sikhism”.
Napag-alamang nasa labas ng Amritsar para iprotesta ang aniya ay “desecreation ng Hindu deities.
Kaugnay nito, isang local shopkeeper ang inaresto ng mga otoridad na siyang itinuturong may kinalaman sa pamamaslang.
Sinabi ni Police Director General Gaurav Yadav na iniimbestigahan ngayon ang suspect kasabay ng pagtiyak na sinumang nasa likod ng pagpatay sa religious leader ay maaresto at papanagutin.
Matatandaan na inakusahan ng mga Sikhs sa India at sa iba pang bansa si Suri na nagpapakalat ng “deregotary comments” patungkol sa kanilang “faith and community”.
