Hindi pagsunod sa mga regulasyon sa busway, pwedeng mauwi sa disgrasya – SAICT

Binigyang diin ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation ang kahalagahan ng paggalang sa safety regulations ng busway.

Kasunod ito ng nangyaring aksidente dahil sa pagdaan ng motorsiklo sa Edsa Busway kaninang umaga kung saan nasawi ang isang lalaki.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Sa inilabas na pahayag ng SAICT, tungkulin nilang tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga pasaherong gumagamit ng EDSA Busway.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Ayon pa sa SAICT, ang mga lumalabag ay hindi lamang inilalagay sa panganib ang kanilang sarili kundi pati na rin ang kaligtasan ng iba kaya mahigipit nilang paalala sa publiko na ang busway ay nakalaan lamang para sa mga bus.