Higit ₱4 million halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa isang lalaki

Huli ang isang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsama-samang pwersa ng mga awtoridad sa Barangay Arawan, San Antonio, Quezon nitong Sabado, Agosto 3.

Ayon sa police report, alas-6:45 ng gabi isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Jherome”, 25-anyos, residente ng Brgy. Pury ng nasabing bayan.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Nasabat kay alyas Jherome ang mga sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱4,000,000 at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.