Nahaharap sa kaso ang isang tricycle driver nang mahuli ito sa drug buy-bust gabi ng Sabado, ika- 3 ng Agosto ng Quezon MPS at PDEU-Palawan sa Brgy. Alfonso XIII sa Quezon, Palawan,
Si Alyas ‘Boy’, 52 anyos, ay nasakote matapos makuha mula sa kanya ang isang sachet ng shabu na binili sa kanya, kasama ang tatlong karagdagang sachet sa kanyang pag-aari.
Kasama rin sa nakuha ang isang keypad na cellphone, buy-bust money, at ang tricycle na ginamit sa nasabing transaksyon.
Depensa niya, sinabi ng mga opisyal ng barangay na kasama sa operasyon na mahina umano ang kanyang kita bilang tricycle driver at may pinapaaral pang estudyante kaya nagawa ang pagbebenta ng bawal na gamot.