Aabot sa P884,000 ma halaga ng iligal na droga ang nasabi ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation laban sa apat na indibidwal na umano’y tulak sa Cabuyao City, Laguna.
Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang mga suspek na sina alyas Amino, Jalilah, Normalah, at Jalil, pawang mga residente ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa mga awtoridad, naaresto ang apat na suspek matapos maaktuhan na nagbebenta ng iligal na droga sa pulis na nagkunwaring buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu, pera na nagkakahalaga ng 10,000 na ginamit bilang boodle money at cellphone.
Sa kabuuan, nasa 130 grams ang narekober na iligal na droga mula sa mga suspek.
Sa kasalukuyan ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Calamba City Police Station na posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.