28 na bagong kaso ng COVID-19 variants, naitala sa Bicol; total cases ng VOC pumalo na sa 134

BICOL—Pumalo na sa kabuuang 134 ang mga kaso ng variants of concern (VOC) sa COVID-19 na naitala sa Bicol region hanggang nitong Setyembre 6 matapos na madagdagan ng panibagong 28.

Base sa resulta ng genome sequencing na natanggap ng Bicol Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) nitong Setyembre 3, apat sa mga bagong kaso ng VOC ay Alpha variant (B.1.1.7), lima ang Beta variant (B.1.351) at 19 ang kaso ng Delta variant (B.1.617.2).

Lima sa mga bagong kaso ng Delta Variant ay mula sa Masbate, apat sa Naga City, tigtatlo ang Albay at Camarines Norte at tigdalawa ang Camarines Sur at Sorsogon.

Tig-iisang Beta Variant naman ang Albay, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dalawang Alpha Variant ang naitala sa Catanduanes at tig-isa ang Masbate at Sorsogon.

Sa kabuuang 134 na mga kaso ng VOC sa Bicol, 50 nito ay mula sa lalawigan ng Camarines Sur, 28 sa Albay, 20 sa Masbate, 14 sa Catanduanes, 12 sa Sorsogon at sampo sa Camarines Norte.

Tatlong sa mga unang kasong naitala ay tinanggal sa listahan kabilang ang naiulat mula sa Barangay Poblacion, Libon, Albay, Barangay Mantalisay, Libmanan, Camarines Sur at Barangay Cogon sa Gubat, Sorsogon.

Ito ay matapos mapag-alamang ang dalawang kasong mula sa Albay at Camarines Sur ay mga Returning Overseas Filipinos (ROFs) habang ang kaso naman sa Sorsogon ay isang local seafarer at ngayon ay nakatira na sa ibang rehiyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang Bicol Region ay nakakaranas ngayon ang pagtaas sa kaso ng COVID-19 na umaabot sa average na 300 sa isang araw. Bunsod nito, ilang ospital ang halos nasa full capacity na.

Dahil dito ay patuloy ang paghikayat ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang Minimum Public Health Standards na siya pa ring pinakamabisang preventive measures laban sa lahat ng variants at mutations ng COVID-19.

Ipinaalala rin ang kahalagahan ng pagpapabakuna kung saan naobserbahan na ang mga COVID-19 patients na hindi pa bakuna ang mas nakakaranas ng severe at critical symptoms ng sakit.

Bagamat hindi umano garantiya na hindi na dadapuan ng virus ang mga bakunadong indibidwal pero nababawasan nito ang panganib ng mas malalang sintomas na maaaring mauwi sa pagkamatay.### || slm