Higit 500k individuals sa Region 2, target na mabakunahan sa 3-days Bayanihan Bakunahan

Target na mabakunahan ang 547,176 na indibidwal sa Lambak ng Cagayan sa isasagawang tatlong araw na Bayanihan Bakunahan ng Department of Health Region 2 mula November 29, 30 at December 1, 2021.


Ito ang inihayag ni Jellico Cabatotan, Nurse III ng Cagayan Valley Center for Health and Development sa Tipon-Tipan ng PIA Region 2 ngayong araw.


Aniya, idineklara na ang nabanggit na mga petsa bilang National Holiday o National COVID-19 Vaccination Day upang mabakunahan ang mga indibidwal na hindi pa nakatanggap ng kanilang primary vaccine kontra COVID-19.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval


Dagdag pa niya, nasa 182, 382 individuals sa rehiyon ang target na mabakunahan kada araw.


Habang sa tatlong araw na vaccination ay target ng probinsya ng Batanes na mabakunahan ang 123 individuals; 246,249 naman sa Isabela; 80,175 sa N. Vizcaya; 188, 637 sa Cagayan; 20, 007 sa Quirino; 6,564 sa Santiago City at 5, 421 naman sa Tuguegarao City.


Sa kabuoan ay 270 vaccination sites na sa rehiyon ang nakahanda na para sa Bayanihan Bakunahan kung saan binubuo ito ng 300 vaccination team.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station


Ngunit ayon kay Cabatotan kinakailangan pa ng karagdagang 910 teams at 135 vaccination sites upang mapabilis ang pagbabakuna.


Sa ngayon ay umabot na sa 837 individuals ang nangakong maging volunteer kung saan nakatakdang ilagay ang mga ito sa mga vaccination sites sa bawat LGU sa rehiyon.


Puspusan na umano ang paghahanda ng DOH Region 2 para sa tatlong araw na Bayanihan Bakunahan.


Bukod sa malawakang information dissemination sa pamamagitan ng social media ay magbabahay-bahay na rin umano ang mga Barangay Healthcare Workers upang ipaalam sa mga mamamayan ang gaganaping pagbabakuna.