Higit 30 na OFWs, nabigyan ng tulong pinansyal

Aabot sa kabuoang 34 na mga benepisyaryong Overseas Filipino Workers (OFW) ang nabigyan ng Financial Assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) RWO2 Isabela Sub-Office kamakailan na isinasagawa sa kanilang tanggapan sa Lungsod ng Ilagan.

Read More:  Man found dead wrapped in duct tape in Negros Occidental

Ito ay sa ilalim ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay (BPBH) Program at the Welfare Assistance Program (WAP) kung saan 29 ang benepisyaryo sa BPBH, habang lima naman sa WAP.

Sa programang BPBH, nakatanggap ang 29 na benepisyaryo ng kabuuang P510,000 na naglalayong matulungan ang mga distressed OFWs na makapag-bagong buhay sa pamamagitan ng mga livelihood projects.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Samantala, kabuuang P93,000 naman ang naibigay ng OWWA Isabela sa limang benepisyaryo ng WAP.