Dalawang sasakyan nagsalpukan, apat ang patay

Patay ang apat na katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa salpukan ng dalawang sasakyan kaninang umaga sa Barangay Lapogan, Gattaran, Cagayan.

Base sa napag-alamang impormasyon ng Brigada News Team sa PNP Gattaran, lulan ang mga nasawi ng isang canter double cab habang ang mga sugatan ay sakay ng elf truck na isang fish dealer.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga alagad ng batas na patungong Tuguegarao City ang mga biktima at galing ng Malabon City ang elf truck na patungo sa bayan ng Aparri Cagayan.

Biglang umagaw sa linya ang elf truck at sinalubong ang canter vehicle dahilan ng kanilang salpukan.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang apat ng sumuring doctor.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbetigasyon sa insidente upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga biktima.