Umaabot sa 31 mga mangingisda mula sa iba’t-ibang lugar sa bansa ang kasalukuyang nawawala dahil sa hagupit ng bagyong Jolina.
Batay sa inisyal na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi ni spokesperson Mark Timbal na nauna nang napaulat ang 12 mga mangingisda na nawawala sa Catbalogan Samar kung saan patuloy na inaalam ang kalagayan ng mga ito.
Maliban dito, may 14 rin na mga mangingisda ang nawawala sa bahagi ng Masbate kung saan patuloy rin itong hinahanap ng mga awtoridad.

Limang mangingisda rin ang patuloy na pinaghahahanap sa bahagi naman ng Marinduuqe.
Sinabi ni Timbal na sa ngayon ay hindi pa nila mailabas ang kumpletong report ukol sa bilang ng mga casualty sa Bagyong Jolina dahil patuloy pa nilang bini-verify ang status ng mga nasabing nawawala. // MHEL PACIA-TRINIDAD via CLAY MARQUEZ