Umabot sa 135.8 milyong piso ang halaga ng mga postharvest facilities na ipinamahagi ng Department of Agriculture.
Ito ay para sa mga magsasaka at kooperatiba sa dalawang bayan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Kabilang dito ang mga makabagong rice mills at dryers na inaasahang magbibigay ng malaking benepisyo sa 344 na miyembrong magsasaka mula sa dalawang kooperatiba.
Ang mga pasilidad ay mula sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
PHOTO: DA Central Luzon