Higit 10,000 estudyante sa Koronadal, may F2F classes na

KORONADAL CITY- UMAABOT sa 10, 250 na mga estudyante sa elementary at secondary schools sa Koronadal ang kalahok na sa progressive face-to-face classes.

Ito ang kinumpirma ni Maria Elma Pama-Paches, Senior Education Program Specialist for Planning & Research & Designated F2F Focal Person, sang Koronadal City Division sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Matatandaan na noong unang ipinatupad ang face-to-face classes, nasa 4, 829 lamang na mga estudyante ang nakilahok sa elementarya habang 348 naman sa sekondarya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ngunit nilinaw ni Paches, na hindi pa maituturing na istable ang bilang ng mga enrolled student sa ngayon dahil maaari pa umano itong magbago.
Samantala, kanilang tinututukan ang pagbasa at pagsulat ng mga estudyante sa pagbabalik ng face-to-face classes.