Nakapagtala ng 1,149 aftershock ang Hinatuan, Surigao del Sur matapos yumanig ang magnitude 7.4 na lindol nitong weekend.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Siesmology may lakas ang mga aftershock ng mula magnitude 1.4 hanggang 6.2.
Inaasahan pa umano ang mga aftershock sa mga susunod na araw.
Inihayag ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol na hindi na magreresulta ng tsunami ang mga aftershock.
