Binbantayan ng Philippine Coast Guard ang mahigit 100 Chinese militia vessels na ilegal na nananatili sa Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
November 13 ng unang namataan ang 115 na barko ng China sa lugar.
Base sa huling monitoring ng PCG na sa 135 na ang namataan sa nasabing karagatan
Inatasan ni National Security Adviser and Chair of the National Task Force on the West Philippine Sea, General Eduardo Año ang coast guard na magpatrolya para idukomento ang ilegal na pananatili doon ng mga barko ng China.
Iniulat din ng Coast Guard na hindi tumugon ang mga barko ng China sa isinagawang radio challenges.
