High value target, timbog sa buy-bust operations

SORSOGON CITY – Arestado ng PDEA-Sorsogon Provincial Office katuwang ang drug enforcement units ng PNP-Sorsogon ang isang high value target sa kanilang ginawang anti-illegal drugs buy-bust operations sa Gate 1, Lucban St., Brgy Bibincahan, Soprsogon City nitong ika-26 ng Enero.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Kinilala ang suspek na si Cedric Repia Galit, 21-anyos at naninirahan sa Purok 6, Brgy Boton sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Nakumpiska dito ang dalawang sachet na naglalaman ng 35 gramo ng dahon ng Marijuana na nagkakahalaga ng P3K at isa pang sachet na naglalaman ng mahigit-kumulang 50 gramo na shabu na may street value na P340K.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa seksyon 5 at 11 ng Art. 2 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.