Dagdag Presyo ng harina sa Camarines sur nararanasan na; taas presyo sa tinapay asahan

NAGA CITY – Nararanasan na sa Camarines Sur ang karagdagang presyo ng harina ngayong Enero 2022 kung saan posible ring magdagdagan ang presyo ng mga tinapay.

Matatandaang inerekomenda ng Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) sa Department of Trade and Industry o DTI na dagdagan ang presyo ng tinapay dahil nga sa pagtaas ng presyo ng harina.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa naging panayam naman ng Brigada News FM kay Jay Ablan, Provincial Director ng DTI Camarines Sur, kinumpirma nito na may pagbabago nga sa presyo ng harina mayroon nang umaabot na sa P1, 160.00 ang bawat sako. Pinakamahal  na ito ngunit nakadepende pa rin sa brand. P80.00 ang idinagdag per sack.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Idinagdag pa ng Director na nakadepende kasi sa panahon ang pagbaba o pagtaas ng presyo ng harina lalo na ngayong malamig ang panahon humihina ang produksyon nito saka naman lumalakas kapag summer.