Hideout ng lider ng NPA natagpuan sa Masbate; laptop at ilang gamit nasamsam

SORSOGON CITY – Isang pinaniniwalaang hideout ng lider ng New People’s Army (NPA) ang natagpuan ng tropa ng pamahalaan sa Brgy Sta Cruz sa bayan ng Placer, Masbate.

Nasamsam sa loob ng bahay ang isang laptop, isang hard drive, 8 USB, 8 SIM cards at ilang subersibong dokumentos.

Una rito, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar nang may matanaw sila na isang tao na biglang kumaripas ng takbo nang makita sila na papalapit sa nasabing lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Habang hinahabol ng mga sundalo ang tumatakas na lalaki ay natanaw nila na pumasok ito sa isang bahay. Dito na natagpuan ng mga sundalo ang naiwang laptop at ilang kagamitan.

Kinalaunan, nabatid na ang bahay ay ginagamit na hideout ni Rogelio Suson alias Manong, lider ng Platoon 1, Larangan 2, Komite Probinsyal 4.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ayon sa Joint Task Force Bicolandia, sa loob lamang ng taong ito ay marami nang nakubkob na hideout at narekober na armas at kagamitan ng mga rebelde ang kanilang nasamsam, kung saan ang pinakabago ay ang nasamsam na armas, bomba, mga bala, cellphones, camouflage uniform ng Phil Army at iba pa sa Napolidan, Lupi, Camarines Sur.