Expansion ng limited face-to-face classes sa bansa, suportado ng Caramoan LGU

NAGA CITY—Handa ang Lokal na Pamahalaan ng Caramoan sa Camarines Sur sa pagsisimula ng limited face-to-face classes sakali mang payagan na ng Department of Education o DepEd ang pagbubukas ng ilang paaralan sa kanilang lugar para sa Physical Learning ng mga mag-aaral.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Christian Aries Guevarra, Head Officer ng MDRRMO Caramoan.

Aniya, matagal na silang nakasumite ng mga hinihinging requirements ng Kagawaran tulad ng 100% pagiging bakunado ng lahat ng mga guro at staff sa kanilang bayan.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Dagdag pa nito, full support ang LGU Caramoan sakali mang buksan na ang limited face-to-face classes sa mga piling lugar.

Mababa narin aniya ang COVID-19 cases sa kanilang habang mataas naman ang vaccination rate sa adult at maging sa pediatric population.