Ginawaran ng Heroes Welcome ng TESDA Region 2 ang unang batch ng trainers na ipinadala sa Sipalay City, Negros Occidental upang tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette kasabay ng kanilang pag-uwi dito sa rehiyon.
Pagdating ng mga trainers sa Tuguegarao City Airport noong February 2, 2022 ay sinalubong sila mismo ni TESDA Cagayan Provincial Director Romeo Talosig kasama si TESDA Technology Institution (TTI) Administrators Venancio Balisi at iba pang opisyal ng ahensya.
Habang pinangunahan naman ni Isabela Provincial Director Vilma Cabrera ang reception activity para sa mga kasapi ng augmentation team mula sa lalawigan na dumating sa Cauayan City Airport.
Bingyan din ang mga TESDA Heroes ng Certificates of Commendation na pirmado ni Secretary Isidro Lapeña.
Ayon kay TESDA Region 2 Director Archie Grande, marapat lamang na alayan ng papuri ang mga trainers na nagbigay serbisyo para sa muling pagbangon ng mga hinagupit ng bagyo sa Sipalay City.
Samantala, muli namang nagpadala ng ikalawang batch ang TESDA Region 2 noong January 30, 2022 upang matiyak ang mabilis na pagbibigay tulong sa mga residente sa Region VI.
Photo/TESDA RO2