Baliktad na bahay sa Colombia, patok sa mga turista!

Colombia- Isang baliktad na bahay ang pinagkakaguluhan at umaagaw ng atensiyon ng turista sa Colombia.

“Casa Loca” ang tawag sa nasabing bahay na matatagpuan sa bayan ng Guatavita, at pag-aari at disenyo ng Austrian na si Fritz Schall.

Kakaiba ang Casa Loca dahil hindi ito tulad ng mga karaniwang bahay na nakikita araw-araw.

Pagpasok pa lamang dito’y mamamangha na ang lahat sapagkat lahat ng mga gamit ng bahay, maging ang mga mwebles ay baliktad ang pagkakalagay, at ang mga turista’y naglalakad sa kisame.

Ayon kay Schall, nabuo nila ang ideya ng Casa Loca nang bumisita sila sa Austria kasama ang kanyang mga apo noong 2015.

Aniya, mayroong kaparehong bahay ang Casa Loca na malapit sa Innsbruck, Austria at sinabi niyang kailangang magkaroon din ng ganun sa Colombia.

Kakaibang saya at experience ang dala ng bahay na ito sa sinumang bumibisita at pumapasok doon.

Para sa mga turista, ang Casa Loca ay isang daan upang malibang, at ma-relieve ang stress na dulot ng lockdowns mula sa pandemya.

Gayunpaman, hindi naman nakakalimutang sundin ng mga turistang bumisita roon ang mga ipinapatupad na safety protocols.### ALYZZA JADE A. BALLON – Intern