Herd immunity, posibleng makamit ng Mabalacat city sa unang araw ng Disyembre

Posibleng makamit na ng Mabalacat city ang pagkakaroon ng herd immunity sa unang araw ng Disyembre.

Ayon kay Dr. Jay Rivera ang kanilang COVID response chief implementer, inaasahang sa December 1 o 2 matatapos ang pagbabakuna nila ng second dose sa mga kabilang sa eligible population.

Read More:  Army conducts live-fire exercises as HRAN flags risks to Sipalay residents

Sa ngayon kasi lagpas na sa 100 percent ang nakatanggap ng first dose ng COVID vaccine sa kanilang syudad.

Sa kabuuan merong 198, 001 na target population ang Mabalacat para makamit ang herd immunity.

Ang herd immunity ay indirektang proteksyon sa nakahahawang sakit tulad ng COVID-19, na makakamit kung immune ang malaking porsyento ng populasyon sa pamamagitan ng bakuna.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Samantala nangunguna rin ang syudad sa buong Central Luzon sa may mataas na vaccination rate batay sa pagtaya ng Department of the Interior and Local Government o DILG.