RBB outbreak, naitala sa ilang lugar sa Pampanga

Naitala sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang RBB o rice black bug outbreak.

Kabilang dito ang San Jose Malino, Mexico, Tabun sa bayan ng Arayat, at ilang parte ng bayan ng Sta Ana.

Ayon kay Beth Manliclic, Provincial Agricultural Technologist, nagsasagawa na sila ngayon ng preventive measures para maiwasan ang pagkalat ng naturang peste.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nagbigay naman ito ng ilang payo sa mga magsasaka at sa mga residenteng apektado kung papaano matutugunan ang problemang dulot ng black bug tulad ng paggamit ng light trapping equipment.

Sa katunayan, namigay na rin anya ang Integrated Pest management ng mga ilaw na pwedeng magamit ng mga magsasaka sa light trapping.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Unang naitala ang pag-atake ng black bug sa Palawan noong 1979 at 1982 kung saan umabot sa 4,200 ektaryang bukirin ang naapektuhan. Dekada 90 naman nang maitala pananalasa ng peste sa mga bukirin sa Mindanao, at umabot na sa Bicol region noong taong 2000.