Herbosa, bukas na ibasura ang kaniyang proposal na pagha-hire ng mga unlicensed nurses

Handa raw si Health Sec. Ted Herbosa na ibasura ang ipinapanukala niyang pagha-hire ng mga nurses na hindi nakapasa sa board.

Ayon sa kalihim, kung lalabas namang iligal talaga ang panukalang ito, hindi naman niya ito ipipilit.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Giit ni Herbosa, bukas siyang maghanap ng iba pang mga solusyon para mapunan ang bakanteng libu-libong plantilla positions ng mga nurses.

Una nang idiniin ng Professional Regulation Commission (PRC) na hindi naaayon sa batas ang pagtanggap sa mga nurses na nakakuha lamang ng 70-74% na grado sa licensure examination.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Samantala, kinumpirma rin ng Health chief na sa Hulyo ay nakatakda na silang magpulong ng PRC para plantsahin ang naturang mungkahi. //LGD, edited MHEL PACIA