Economic team: Target ng PH na economic growth, ‘on-track’ pa rin

Nananatili pa ring ‘on-track’ ang Pilipinas sa pagkamit nito sa paglago ng ekonomiya.

Sa isang forum, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na maaabot pa rin ng bansa ang growth target para sa kasalukuyang taon.

Read More:  Public urged to maintain strict cleanliness amid Hantavirus monitoring

Ayon sa kalihim, pasok pa rin sila sa 6-7% na full-year growth target ngayong 2023.

Maliban dito, tumaas din umano ang mga nakolektang buwis ng 10.83% mula sa mga nagdaang period.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Matatandaan na sa huling report ng economic managers, bahagyang bumagal ang economic growth sa unang kuwarter ng taon sa 6.4%.

Sa quarter 1 naramdaman ang sunud-sunod na pagsipa sa inflation rate, bago ito bahagyang humupa sa quarter 2 ng taon. //LGD, edited MHEL PACIA