Hepe ng Davao City Police 3 oras lang mula italaga, sinibak

Hindi na inabutan ng 4 na oras mula italaga ay agad sinibak ang bagong hepe ng Davao City Police Office (DCPO) sa Davao City ngayong araw.

Kaninang umaga ay tinalaga si PCol. Lito Patay na bagong hepe ng DCPO ngunit ilang oras lang ay agad naman itong pinaalis sa pwesto ito base sa kompermasyon ng Police Regional Office (PRO) XI.

Posible umanong si Col. Sherwing Butil ang uupong DCPO Chief at sa ngayong naghihintay pa ang official order para pormal itong maitalaga.

Sa nakalipas na dalawang araw tinanggal ang lahat ng mga police stations na nasasakupan ng DCPO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *