Office of the Solicitor General, sinisilipin na rin ang kaso ni Bamban Mayor Guo

Maaari umanong maghain ng quo warranto petition ang Office of the Solicitor General na kumekwestyon sa karapatan ni Bamban Mayor Alice Guo na maghawak ng public office sa sandaling makahanap ito ng dahilan para gawin ang pagfa-file.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, kumakalap na ng mga impormasyon ang OSG sa kaso ni Guo nan ngayo’y nahaharap sa imbestigasyon kaugnay ang ilegal na POGO.

Paliwanag pa nito, kung may magandang rason naman para paniwalaan na ang subject ay ‘unlawfully’ na naghahawak ng public office – pwedeng magsimula ng sarili nitong aksyon ang OSG.

Una nang sinabi ng Comelec na OSG ang may kapangyarihang mag-file ng tinatawag ng petition for quo warranto. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *