Height limit sa PBA import sa Commissioner’s Cup inalis na

Inalis na ang height limit para sa mga import sa 49th Season ng PBA Commissioner Cup.

Dahil dito posibleng magbukas na ang pinto para kina Gilas Pilipinas center Andray Blatche at NBA veteran Dwight Howard.

Mababatid na nagpahayag noon ng interest sina Howard at Blatche na maglaro sa PBA.

Base sa anunsyo ni Commissioner Willie Marcial na sa upcoming Commissioner’s Cup, papayagan ang mga PBA team na kumuha ng mga import na lagpas sa dating 6-foot-9 height limit.

Magkakaroon pa rin ng height limit na 6-foot-6 ngunit ito ay ipatutupad sa Governors’ Cup.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *