Ikinatuwa ng pamunuan ng isang eskwelahan sa Yanagidani district sa bayan ng Kumakogencho ang pagpasok ni Nozomi Fujioka sa grade 1.

Siya kasi ang kauna-unahang nag-enroll sa naturang eskwelahan bilang first-grader matapos ang ilang taong walang nag-eenroll.
Ayon sa faculty, taong 2021 hanggang 2023 wala ni isang estudyante para sa first grader ang nag-enroll sa kanila.
Dahil sa kakaunting bata sa lugar nagsara ang naturang school buong taon noong 2023.
Ang Yanagidani district sa bayan ng Kumakogencho ay mayroon lamang 540 populasyon.