Nanawagan ang Pakistani police na i-ban sa kanilang bansa ang paglalaro ng sikat na online game na PlayerUnknown’s Battlegrounds (PUBG).
Ito ay matapos aminin ng isang teenager na siya ang pumatay sa apat na miyembro ng kanyang pamilya sa galit kasunod ng ilang araw na paglalaro online.
Sinabi ng pulisya na binaril ni Ali Zain ang kanyang ina, dalawang kapatid na babae, at isang kapatid noong Enero 18.
Lumabas sa imbestigasyon na binaril ni Zain ang kanyang pamilya sa pag-aakalang mabubuhay din sila, tulad ng nangyari sa laro”
Ang PUBG ay isang online multiplayer na “battle royale” na laro kung saan ang mananalo ay ang huling nakaligtas.
Pansamantalang hinarangan ng mga awtoridad ng telecom sa Pakistan ang pag-access sa laro pagkatapos ng mga reklamo tungkol sa marahas na nilalaman nito.