CAMARINES NORTE- Nananatiling nasa low risk ang healthcare utilization rate sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng pagkakaroon ng aktibong kaso ng COVID- 19.
Batay sa ulat ng Department of Health sa 177 beds na inilaan para sa Covid 11 lang dito ang nagamit o katumbas ng 9.04 percent utilization rate.
Wala namang naitalang pagamit sa ICU beds at mechanical ventilator.
Umaabot naman sa 34, 025 o 61. 59 percent ang nabakunahan na kontra COVID- 19 sa lalawigan.
Sa bilang na ito nasa 315 , 971 ang fully vaccinated na o katumbas ng 61. 59 percent.
Patuloy pa rin ang paghimok ng departamento sa mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na sa harap ng banta ng iba’t- ibang Covid- 19 variants.
Noong Lunes ay nanawagan muli si Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa mga taga Camarines Norte na magpabakuna.
Aniya walang dahilan upang hindi magpabakuna dahil marami nang suplay nito hindi tulad dati.
Kinakailangan lang umanong makipag ugnayan sa mga Rural Health Units.
