Tinaasan ng gobyerno ang deployment cap nito para sa health workers sa 7,000.
Ayon kay Villamor Ventura Plan, dputy administrator ng Philippine Overseas Employment Administration, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 3,500 na limitasyon noong maagang bahagi ng 2021.
Nakikipag-ugnayan na rin ang POEA sa Commission on Higher Education at Department of Health upang malaman kung pwedeng mapanatili ang deployment cap.
Sinabi ni Plan na dapat pa rin makonsidera ang demand para sa health workers ng bansa.
Pero iginiit niya na nauunawaan naman nila ang sitwasyon ng mga nurses na gustong makahanap ng mas magandang oportunidad sa labas ng bansa at mahirap na kung pipigilan sila.
Kasalukuyang in-demand ngayon ang mga Filipino health care professionals sa Australia at New Zealand.
