Health protocols sa loob ng simbahan mahigpit pa ring ipapatupad sa mga magtutungo sa Capalonga sa kapistahan ng Poong Nazareno

CAMARINES NORTE- Mahigpit na ipapatupad ang minimum health standards para sa mga magtutungo sa simbahan ng Capalonga, Camarines Norte kaugnay sa nalalapit na kapistahan ng Poong Nazareno.

Batay sa anunsiyo ng Shrine of Jesus the Black Nazarene of Capalonga and Parish of St. Lucy sa official social media account ng parokya, may mga ipapatupad pa ring panuntunan para sa pagdalaw sa simbahan at sa dambana ng Poon.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kailangang sagutan ang Pilgrim Information Sheet na makukuha sa may pintuan ng simbahan bago pumasok o maaari din namang online at ipakita ang Screen Shot na nakapag sagot na sa online pilgrims form o pwede rin idownload at iprint ang form saka sagutan at ibigay bago pumasok.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Mayroong pa ring thermal scanning sa pagpasok sa simbahan at mahigpit na pinapaalalahanan ang lahat na palagiang magsuot ng face mask at sundin ang social distancing measure.

Magsisimula ang Misa Nobenaryo sa karangalan ng Poong Nazareno bukas, Mayo 4 at ang Kapistahan ng Poon ay ipagdiriwang sa Mayo 13.