CNPPO at dalawa pang municipal police station sa lalawigan nakatanggap ng parangal mula sa National Police Commision Regional Office 5

CAMARINES NORTE- Nasungkit ng Camarines Norte Police Provincial Office ang parangal bilang Most Compliant Police Provincial Office kasama ng dalawa pang Police Provincial Office sa Rehiyong Bikol.  

Nakatanggap din ng parangal ang San Lorenzo Municipal Police Station at Capalonga bilang Most Compliant Municipal Police Station  na iginawad ng NAPOLCOM Regional Office 5.

Tinanggap ni PCOL JULIUS DANAO GUADAMOR, CNPPO Provincial Director kasama ni PLT ROSALINDA B TENSO, Officer In-Charge ng San Lorenzo MPS at ni PCPT TEDDY B FLAGA, Chief of Police ng Capalonga MPS ang nasabing mga parangal kahapon sa Camp Simeon A. Ola Legaspi City

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Mismong si Director Josephmar B Gil, NAPOLCOM ROV Regional Director ang naggawad ng nasabing parangal kasama ng bagong Regional Director ng Police Regional Office 5 na si PBGEN MARIO A REYES.                                                                                                    

Nakuha ng CNPPO ang pinakamataas na  puntos na umaabot sa 92.86% mula sa pitong (7) Police Provincial Office sa Bicol Region.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Samantala, nakuha naman ng Capalonga MPS ang pinakamataas na puntos na 96.43% at 91.67% naman ng San Lorenzo MPS bilang  ikatlo sa pinakamataas na puntos mula sa 105 municipal police stations sa buong Bicol. Ang nasabing mga parangal ay kaugnay sa isinagawang NAPOLCOM Inspection and Management Audit and Monitoring Activities  CY 2021.