Health protocols, mahigpit na ipapatupad ng Bicol University sa pagdaraos ng ‘face to face graduation’

BNFM BICOL— Inanunsyo ng pamunuan ng Bicol University na mahigpit nilang ipapatupad ang mga umiiral na health protocols sa pagsasagawa ng ‘face to face graduation’ ngayong taon partikular ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon kay University President – Arnulfo Mascariñas, ang lahat ng mga magsisipagtapos ay nire-required na magsuot ng facemasks sa seremonya gayon din ang kanilang mga kasamahan na dadalo sa seremonya.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Kinakailangan din ng mga itong mag presenta ng vaccination card batay na rin sa guidelines o mga patakaran na ipinatutupad ng IATF sa pagsasagawa ng mass gatherings o pagtitipon, ngayong may banta pa rin ng pandemya.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Sa huli, sinabi ng opisyal na sakabila ng unti-unting pagluluwag at pagpapahintulot na maisagawa ang naturang aktibidad, mahalaga pa ring ma-implementa ng tama ang minimum public health standards, para sa kaligtasan ng lahat.###